Noong unang panahon, naninirahan sa isang nayon na di kalayuan sa iceland palace ang mag asawang si Mang Tonyo at Aling Esmeralda. Sila ay isang simpleng pamilya na naghahangad na magkaroon ng anak, ngunit sila ay nabigo at di nabiyayaan. Si Mang tonyo ay isang mangangaso at si Aling Esmeralda naman ay nagkukumpuni ng mga kagamitan.
Isang araw si Mang Tonyo ay naglalakbay patungo sa tuktuk ng bundok ng bulwagan upang mag-trabaho. Ng makarating sya roon ay sinimulan nya ng gawin ang kanyang pag tratrabaho upang mas maaga syang makauwi at makapiling ang kanyang asawa. Habang sya ay nangangaso ay may kakaiba syang naririnig mula sa gitna ng bulwagan. Hinanap niya kung saan nanggaling ang tinig at doon nya nakita ang isang sanggol na umiiyak. Hinanap nya ang mga magulang nito, ngunit sa kasamaang palad ay hindi nya ito makita. Kinuha niya ang sanggol at nagmamadaling umuwi patungo sa kanilang tirahan upang sabihin at ipa-alam sa kanyang asawa ang nangyari sa tuktuk ng bundok.
Humihingal si Mang Tonyo ng sya ay makarating sa nayon, hinanap niya ang kanyang asawa at doon niya nakita si Esmeralda na malungkot na nag kukumpuli ng kagamitan. Nang mapansin ni Esmeralda ang pag dating ng kanyang asawa ay nagulat sya at tila’y hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. “Ano iyan Tonyo? Sino ang batang iyan? Saan mo sya nakita?” tanong nya kay Tonyo. “Nakita ko sya sa gitna ng bulwagan na umiiyak at walang kasama” Sagot niya. “ Paano mo nalaman na wala siyang kasama? Paano siya nakarating doon?” anong muli ni Esmeralda. Pinaliwanag ni Mang Tonyo sa kanyang asawa ang nangyari sa kanya at ang sanggol na nakita niya tila’y hindi parin makapaniwala si Esmeralda sa kanyang nakita na para bang ito’y isang bulalakaw na biglang nahulog mula sa langit.
Nang kalaunan , napag-pasyahan ng mag-asawa na hanapin ang mga magulang ng sanggol. Ilang raw o linggo ang nakalipas ay wala paring nangyari sa kanilang paghahanap kaya napagpasyahan nilang kupkupin nalang ito at ituring na para nilang sariling anak. Ang sanggol na iyon ay pinangalanan nilang Belania at ngayon ay masayang masaya ang mag-asawa kasama ang kanilang anak. Pinalaki nila si Belania na may busilak na puso at mapagmahal sa kapwa.
Hanggang sa paglipas ng ilang taon si Belania ay isang babaeng kinahuhumalingan ng kalalakihan sa nayon dahil sa kanyang taglay na kagandahan di lamang sa panlabas na anyo, kundi sa kalooban. Siya ay matapang, masipag at mapagmahal. Isang araw habang pinagmamasdan ni Belania ang paligid ng may napansin siyang malaking bato na nakaharang sa likod ng kanilang bahay at dahil siya ay sabik na malaman kung ano ang meron roon ay pinuntahan niya ito at nakita niya na may isang maliit na butas na kakasya sa kanya. Pumasok siya roon at nalaman niya na ito’y isang kagubatan na patungo sa iceland palace, ang palasyong matagal ng naglaho. Hindi kailan man nag atubiling pumunta si Belania sa Iceland palace at nasilayan ang magandang lugar na iyon. “Napakaganda ng lugar na ito” sabi niya sa kanyang sarili. Habang siya ay naglalakad sa palasyo ay may nakita siyang isang maliit na kahon. Binuksan niya ito at nakita niya ang isang kapirasong kwintas na katulad sa kanya. Kinuha niya ito at pinagsama niya sa kanyang kwintas ng sya ay may napansin na kakaiba sa palasyo. “Ano nangyari rito? Bakit tila’y biglang nagbago ang lugar na ito? Ano ang meron sayo o aking kwintas?” Pag tatakang tanong niya sa kanyang sarili. Sa pag balik ni Belania sa kanilang tahanan ay napagtanto niya na parang may sumusunod sa kanya, ngunit hindi niya ito pinansin. Pagkarating niya ay nagmamadali syang naghanda ng hapag-kainan para sa kanilang munting salo-salo sapagkat ang araw na ito ay ang kaarawan niya. Dumating ang kanyang ina at ama galing sa bayan upang bumili ng regalo para sa kanya. Sa gabing iyon si Belania ay labing walong taong gulang na siya ay masaya sa munting regalo na natanggap niya mula sa kanyang mga magulang. Kinaumagahan, bumalik sya sa palasyo upang makita muli ito. Hanggang sa lumipas ang mga araw ay unti-unting napapalapit sya at may pagbabago na nararamdaman ngayun. Alam ni Tonyo at Esmeralda ang mga ginagawa at pagtakas ni Belania sa kanilang bahay.
Ang di alam ni belania na ang lugar na binabalik-balikan niya ay ang lugar kung saan siya nagmula,ngunit hinayaan na lamang nila ito upang sa tamang panahon ay matanggap niya ang lugar at tungkulin niya roon..napagtanto ng mag asawa na ngayon ang tamang panahon na malaman ni belania ang tungkol sa kanyang pagkatao. Sa pagbabalik ni belania mula sa palasyo ay kinausap siya ng kanyang mag magulang at sinabi nila ang lahat-lahat ng kanilang nalalaman at pati na rin ang tungkulin niya sa palasyo.Noong una ay nagdada-dalawang isip sila ngunit dahil sa pagmamahal nila kaiy belania ay sinabi nila ang katotohanang siya ang nawawalang tagapangalaga ng Iceland palace. Kaya simula noon bumalik si belania sa palasyo kasama ang kanyang mga magulang at ginampanan ang tungkulin na matagal ng nawawala. Muling nanumbalik ang kagandahan at pagbangon ng palasyo na tinatawag na Iceland Palace na pinangangalagaan ni Belania.
-Jenny Rose Belen
No comments:
Post a Comment