Thursday, March 2, 2017

Paraan sa Pagluluto ng Beef Steak

Mga Sangkap:
 ½kl. karne ng baka
 ¼ baso ng toyo
    3 piraso ng kalamansi
 ½ kutsaritang paminta
    3 katsa ng mantikilya
    Bawang
    Sibuyas
    Asin

Panuto:

 1. Imarinate ang karne ng baka sa toyo, kalamansi at paminta sa loob ng 1-3 or as.
 2. Initin ang mantika sa kawali, gisahin ang bawang at sibuyas.
 3. Pagkatapos ilagay ang karne ng baka.
 4. Pakuluin ito ng maigi.
 5. Ilagay ang mga pampalasa.
 6. Lutuin ng 15-25 minuto.
 7. At pagkatapos at ihain sa hapag.





                                                                                      --Delsam Jones Darunday

Paraan sa Pagluluto ng Chiffon Cake

Mga sangkap:
3 itlog
90g. asukal
50ml. mantika
60ml. gatas
Vanilla(3 patak)
75g. arina
½ tsp. baking powder

Panuto:
 1. Isama ang baking powder sa arina at salain. Pagkatapos haluin ang mantika,gatas,vanilla at tatlong itlog na dilaw(ihiwalay ang puti). Paghalu-haluin ang lahat ng sangkap. Iwan muna ng sandali sa isang tabi.
2. Pagkatapos yung putting itlog i)mixer o do kaya any mano-manong haluin kasama ang asukal,pakonti konti hanggang sa imaging soft din ito.(salain din ang asukal)
3. Pagsama-samahin ang mga pinaghalo kaninang "dry at wet ingredients". Pagkatapos ihalo at ilagay sa isang lyanera ng cake. Lutuin sa 170 degree celsius sa loob ng 25 minuto


   

                                                                                                                --Stephanie Epis

Pilipinas,Tsina alitan sa Scarborough Shoal

        Matatagpuan ang Scarborough Shoal sa bandang timog ng dagat, Tsina o Kanlurang dagat ng Pilipinas na kasalukuyang pinag-aagawan ng Pilipinas at Tsina. Sa mga nakalipas na taong 2016,umigting ang tensyon dahil sa buwelta ng magkabilang panig. Maraming ekaperto ang nagsasabi na teritoryo ng Pilipinas iyon at sa aking palagay at sa Pilipinas talaga ito,dahil na din sa lapit nito sa sa ating bansa. Sa aking palagay bakit pilit na inaangkin ng Tsina ang isla na yon dahil sa yaman na makukuha dito. Hindi pupwersahin ng Tsina ang pag-angkin kapag walang benepisyo silang makukuha.



                  
                                                                                                           --Delsam Jones Darunday

Tuesday, February 28, 2017


Tekstong prosedyural : (pakbet)
Sangkap
1 tasa Karne baboy at liempo hiniwa sa kwadrado
1 piraso ampalaya, katamtamang laki, hiniwang 2" ang haba.
1/8 kg kalabasa, katamtamang laki, hiniwang
2" ang haba.
5 piraso okra, hinati sa dalawa
4 piraso kamatis, hiniwa sa 4-8
1 piraso sibuyas, hiniwa sa 4-8
3 kutsara bagoong isda
1 tasa tubig

Paraan ng pagluto:
 Una, Pamantikain ang liempo hanggang mamula-mula. Itabi.
Pangalawa, Ilagay ang mga gulay sa isang kaserola.
Pangatlo, Ikalat sa ibabaw nito ang kamatis, sibuyas at liempo.
Pang-apat Timplahan ng bagoong at dagdagan ng tubig. At
Panghuli, Lutuin hanggang lumambot ang mga gulay.







                                                                                         --Angel Añasco

Paninigarilyo

          Parami na nang parami ang namamatay dahil sa bawat paghithit ng isang istik ng sigarilyo. Sa kasalukuyan, 28.3 porsiyento ng mga Pilipino, edad kinse pataas ang naninigarilyo, "Ano nga bang ikinaganda ng panininigarilyo?".
          Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi kang makakakita ng mga taong panay buga ng usok mula sa kani-kanilang sigarilyo. Naging parte na ito ng pamumuhay ng lipunan. Ilan sa mga rason ng mga tao kung bakit sila nahuhumaling sa paggamit ng sigarilyo ay ito raw ay nakakawala ng pagod at nakapipigil sa antok kapag nasa gitna sila ng pagtatrabaho, may ilan namang nagsasabi na nagiging "in" sila kung gumagamit nito. Nakababahala na ang patuloy na pagrami ng mga gumagamit ng sigarilyo kahit na hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang masamang epekto nito sa kalusugan. Pikit mata ang ilan na mga adik sa sigarilyo tungkol sa maaaring kahinatnan ng kanilang kalusugan kapag patuloy silang nagpakalulong sa paghithit sa mga ito. Ayon sa pag-aaral, naglalaman ng 4, 800 na kemikals ang usok mula sa sigarilyo, 69 dito ay maaaring magdulot ng kanser. Isa ring katotohanan na mas maagang namamatay ang mga naninigarilyo kaysa sa mga hindi gumagamit nito pero maaari  pa ring maapektohan ang mga taong ito kung makakalanghap sila ng usok mula sa sigarilyo. Maaari pa ring malagay sa bingit ng kapahamakan ang mga tao kahit hindi sila humithit ng sigarilyo.
          Nakakapangamba ring malaman na mismong pangulo natin ay lulong sa paggamit ng sigarilyo at hindi ito magandang tingnan para sa isang taong dapat sana'y modelo ng bansa. Nakikita naman nating may aksyong ginagawa ang pamahalaan ngunit parang kulang pa ang pagpapaalala nila sa mga tao. Kailangan nilang mas pag-igihin ang pagmungkahi ng mga solusyon at pagsasabatas ng mga ito upang supilin ang adiksyon ng mga tao sa sigarilyo. Kailangan nilang mas maghigpit para makasigurong ligtas ang mamamayang Pilipino mula sa mga negatibong epekto ng paninigarilyo.
          Walang anumang kapaki-pakinabang sa paggamit ng sigarilyo. Kailangan rin siguro ang pagkilos at kooperasyon ng mamamayan at hindi lamang tuluyan na iasa sa pamahalaan ang paghahanap ng solusyon sa palaki nang palaking isyu na ito. Mas mapapabilis ang pagwakas sa masamang epekto ng paninigarilyo, kung sisimulan ng mga "smokers" ang pagbabago at pag-eensayo ng kontrol sa sarili.






                                                                                                   --Angel Añasco


Saturday, February 25, 2017

Paraan ng Pagluluto ng Pinoy Style Spaghetti

Mga Sangkap: 1/2 kutsritang bawang na dinikdik 1 pirasong sibuyas na hiniwa 3 pirasong hotdog na hiniwa 2 kutsaritang mantika 1 kutsaritang pamintang durog 2 bote 950g na banana ketchup 1 latang maliit na tomato paste 1/2 tasa na asukal 1/2 kili spaghetti sticks 1/2 kutsaritang asin pantimpla Tsaka giniling Paraan ng pag luto: 1. Pakuluin at palambutin ang spaghetti sticks 2. Salain ang spaghetti noodle kapag luto na. Isantabi muna. 3. Igisa ang bawang at sibuyas 4. Isama ang giniling na karne hanggang maluto 5. Idagdag ang hotdog, liver spread, tomato paste, ketchup, asin at paminta 6. Ibuhos sa spaghetti noodle at ihalo 7. Ihain na may kasamang tinapay 8. Gadgaran ng keso sa ibabaw






--Kenneth John Ulgasan

Thursday, February 23, 2017

"Inlove o hindi"


“Ang pag-ibig ay hindi basta basta dumarating sa ating buhay, hindi rin ito basta basta hinihingi kundi dumarating ito sa isang di inaasahang pagkakataon at kung minsan pa’y di natin inaakala na ang mismong kaharap na natin ay ang matagal tagal na nating pinakaaasam na pag-ibig”. Ngunit kailan nga ba natin masasabing tunay na pag-ibig na ito? Paano nga ba natin nararamdaman kapag tayo ay inlove? At ang pinakamabigat na tanong, gaano tayo kasigurado na ang taong ito ay siyang nakatakda talaga sa ating buhay?

Mabigat. Mahirap ngunit kapag alam nating tayo ay tapat at seryoso, masasabi nating masarap ang magmahal at ang mahalin. May mga pagkakataon sa ating buhay na naranasan na nating magmahal at masaktan kapag tayo ay “inlove” sa isang tao. Minsan pa nga’y kapag masyado tayong nasaktan o na-heartbroken ay halos isumpa na natin ang mismong taong nanakit sa atin. Ngunit lagi nating tandaan na kapag dumating ang panahong maranasan natin ang bagay na iyon, ito ay para sa ikabubuti natin, plano ng Diyos dahil alam niya kung sino talaga ang nararapat sa pagmamahal na ibinibigay natin. Madaling malaman kapag ang isang tao ay “inlove”, andyan ‘yong tinutubuan ka ng madaming pimples dahil hindi ka matulog tuwing gabi dahil sa kakaisip o baka naman kasi katext mo siya, ‘yong pakiramdam na nababanggit mo ‘yong pangalan niya kahit di mo naman siya kasama o kausap, napapangiti ka ng walang dahilan kaya minsan napagkakamalan ka ng baliw o wala sa katinuan, ‘yong pakiramdam na abot hanggang tainga ang ngiti mo kapag nababasa mo ‘yong pangalan niya sa inbox mo at syempre ‘yong pakiramdam na nagkakatinginan kayo sa isa’t-isa, kunwari ka pang lilihis ng tingin pero maya-maya ay sumusulyap ka ulit. Totoong masarap ang mainlove sa isang tao lalo na kung alam mong may pagtingin din siya sayo, sabi nga ng iba “Cloud999999” dahil pakiramdam mo daw ay nasa langit ka, ngunit sa kabilang banda, mabigat ang kapalit nito kapag tayo naman ay nasaktan. Iba-iba kasi ang pag-uugali ng tao, mayroong mga taong grabe kung magmahal, ‘yong tipong sa iisang tao lang umiikot ang kanyang mundo, mayroon din namang ginagawa lang laro ang pagmamahal, at mayroon din namang seryosohan at ginagawa lang inspirasyon ang pagmamahal. Sabi nila, mas matindi daw mainlove ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Ang mga babae kasi pag nainlove ay halos tumalon na sa sobrang kilig, hampas ng katabi, at “pabebe-effect” o parang sanggol kung umarte samantalang ang mga lalaki naman daw ay tahimik lang pero grabe kung mainlove, tuwang tuwa daw sila kaso ayaw nilang ipahalata baka daw kasi kung anong isipin ng iba kung magsisitalon din sila. Ang pagkakaroon ng boyfriend/girlfriend ay hindi naman masama basta’t alam natin ang limitasyon ng isa’t-isa. Sapat na ang isa hanggang dalawang pagkikita sa isang linggo kung maaari at dapat kayo ay “legal” sa inyong mga magulang. Lahat ng ito’y nagsisimula sa pagiging inlove natin sa isang tao, ‘yong tipong nagpapapansin tayo sa kanila kahit di man lang nila tayo napapansin halimbawa na lang diyan iyong dadaan ka sa harap nila pero wala namang nangyayari, nagpapaimpress kahit di naman sila naiimpress, at minsan, dahil baliktad na ang mundo ngayon, babae na ang mismong lumalapit sa mga lalaki.


Hindi naman masama ang mainlove, sa katunayan pa nga, kapag tayo ay inlove ay mas lalo tayong nagiging blooming at naiinspired gumawa ng mga magagandang bagay. Lagi lang nating tandaan na lahat ng bagay ay may limitasyon. Pagdating sa pagmamahal, dapat tanggap niyo ang isa’t-isa kung anumang pangit sa kanya ay dapat tanggap mo kung totoong mahal mo siya .Sa pag-ibig, di mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan. Mas matimbang ang karanasan kaysa sa sakit na pinagdaanan. Ang tanging magpapatatag dito ay kapatawaran at hindi ang pagsumbat sa kasalanan. Bago tayo pumasok sa isang relasyon, isipin muna natin ng maiigi, para sa huli, walang pagsisising magaganap.





-- Kenneth John Ulgasan