Wala ng mas importante pa sa pag-aaral, pag nakatapos ka dito pwede kanang makahanap ng magandang trabaho, masusuklian mo pa lahat ng paghihirap na dinanas ng mga magulang mo. Maaari mo silang mapasaya, mapaiyak, mapatawa dahil ika'y nakapagtapos na. Maaaring sabihin ng ibang tao na 'bitter ako' na 'bitter ka' na 'bitter tayo', ngunit kasalanan ba nating mas inuuna natin yung ating pag-aaral? Kasalanan ba nating mas pinagtutuonan natin ng pansin ang ating edukasyon? Kasalanan ba nating bigyang katuparan ang hiling ng ating mga magulang? Ang makapagtapos tayo? Ang makuha natin ang ating mga gusto? Ang makamit natin ang ating mga pangarap sa buhay? Kasalanan ba natin? Diba hindi naman?. Hindi din natin dapat ipagsabay ang pag-aaral sa buhay pag-ibig. Sa pagmamahal, hindi natin maiwasang hindi masaktan. Ibig sabihin pag nasaktan ka, maaapektuhan ang iyong pag-aaral, babagsak ka! Pag bumagsak ka mabibigo mo ang iyong mga magulang. Ang daming pwedeng mangyari diba? Ang pagmamahal kasi ay hindi dapat minamadali kusa naman kasi itong dadating pag handa ka na, kusa naman itong dadating pag nasa tamang edad ka na, kusa itong dadating sa tinatawag nilang tamang panahon. Habang wala pa si "Mr. Right" aral muna kay, magsikap kayo, para sa hinaharap pag natagpuan mo na yong taong karapat-dapat sayo ay mabibigayan mo sya ng maayos at magandang buhay. Tandaan, Edukasyon ang dahilan kung bakit tayo nagkakaroon ng magandang kinabukasan.
Hindi ako naniniwalang hindi ito nakakabuti sa mga mag-aaral. Hindi naman masama ang mainlove, sa katunayan pa nga kapag tayo ay inlove mas lalo tayong nagiging blooming at naiinspired gumawa ng mga magagandang bagay. Maaari din natin itong gawing inspirasyon sa pag-aral. Huwag lang nating kalimutan na lahat ng bagay ay may limitasyon. Oo nga't nasasaktan tayo, pero hindi mo naman kasi masasabing mahal mo siya pag hindi ka nasasaktan. Sabi nga nil, kakambal ng salitang 'Kasiyahan' ang mga salitang 'masaktan' o 'kalungkutan'. Tandaan, Pagmamahal ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay sa mundong ating kinabibilangan.
Kung ano ang pipiliin mo sa dalawa dapat isipin mo ng mabuti ang ikakabuti ng iyong sarili o pamilya. Mas mahalaga parin kung pipiliin natin kung saan tayo sasaya. Manalangin kalang sa Panginoon kung ika'y magkakaproblema man. Siya ang ating masasandalan sa lahat ng ating pinagdadaanan.
--Jalaine Montezo Eben
No comments:
Post a Comment