Tuesday, February 28, 2017


Tekstong prosedyural : (pakbet)
Sangkap
1 tasa Karne baboy at liempo hiniwa sa kwadrado
1 piraso ampalaya, katamtamang laki, hiniwang 2" ang haba.
1/8 kg kalabasa, katamtamang laki, hiniwang
2" ang haba.
5 piraso okra, hinati sa dalawa
4 piraso kamatis, hiniwa sa 4-8
1 piraso sibuyas, hiniwa sa 4-8
3 kutsara bagoong isda
1 tasa tubig

Paraan ng pagluto:
 Una, Pamantikain ang liempo hanggang mamula-mula. Itabi.
Pangalawa, Ilagay ang mga gulay sa isang kaserola.
Pangatlo, Ikalat sa ibabaw nito ang kamatis, sibuyas at liempo.
Pang-apat Timplahan ng bagoong at dagdagan ng tubig. At
Panghuli, Lutuin hanggang lumambot ang mga gulay.







                                                                                         --Angel Añasco

Paninigarilyo

          Parami na nang parami ang namamatay dahil sa bawat paghithit ng isang istik ng sigarilyo. Sa kasalukuyan, 28.3 porsiyento ng mga Pilipino, edad kinse pataas ang naninigarilyo, "Ano nga bang ikinaganda ng panininigarilyo?".
          Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi kang makakakita ng mga taong panay buga ng usok mula sa kani-kanilang sigarilyo. Naging parte na ito ng pamumuhay ng lipunan. Ilan sa mga rason ng mga tao kung bakit sila nahuhumaling sa paggamit ng sigarilyo ay ito raw ay nakakawala ng pagod at nakapipigil sa antok kapag nasa gitna sila ng pagtatrabaho, may ilan namang nagsasabi na nagiging "in" sila kung gumagamit nito. Nakababahala na ang patuloy na pagrami ng mga gumagamit ng sigarilyo kahit na hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang masamang epekto nito sa kalusugan. Pikit mata ang ilan na mga adik sa sigarilyo tungkol sa maaaring kahinatnan ng kanilang kalusugan kapag patuloy silang nagpakalulong sa paghithit sa mga ito. Ayon sa pag-aaral, naglalaman ng 4, 800 na kemikals ang usok mula sa sigarilyo, 69 dito ay maaaring magdulot ng kanser. Isa ring katotohanan na mas maagang namamatay ang mga naninigarilyo kaysa sa mga hindi gumagamit nito pero maaari  pa ring maapektohan ang mga taong ito kung makakalanghap sila ng usok mula sa sigarilyo. Maaari pa ring malagay sa bingit ng kapahamakan ang mga tao kahit hindi sila humithit ng sigarilyo.
          Nakakapangamba ring malaman na mismong pangulo natin ay lulong sa paggamit ng sigarilyo at hindi ito magandang tingnan para sa isang taong dapat sana'y modelo ng bansa. Nakikita naman nating may aksyong ginagawa ang pamahalaan ngunit parang kulang pa ang pagpapaalala nila sa mga tao. Kailangan nilang mas pag-igihin ang pagmungkahi ng mga solusyon at pagsasabatas ng mga ito upang supilin ang adiksyon ng mga tao sa sigarilyo. Kailangan nilang mas maghigpit para makasigurong ligtas ang mamamayang Pilipino mula sa mga negatibong epekto ng paninigarilyo.
          Walang anumang kapaki-pakinabang sa paggamit ng sigarilyo. Kailangan rin siguro ang pagkilos at kooperasyon ng mamamayan at hindi lamang tuluyan na iasa sa pamahalaan ang paghahanap ng solusyon sa palaki nang palaking isyu na ito. Mas mapapabilis ang pagwakas sa masamang epekto ng paninigarilyo, kung sisimulan ng mga "smokers" ang pagbabago at pag-eensayo ng kontrol sa sarili.






                                                                                                   --Angel Añasco


Saturday, February 25, 2017

Paraan ng Pagluluto ng Pinoy Style Spaghetti

Mga Sangkap: 1/2 kutsritang bawang na dinikdik 1 pirasong sibuyas na hiniwa 3 pirasong hotdog na hiniwa 2 kutsaritang mantika 1 kutsaritang pamintang durog 2 bote 950g na banana ketchup 1 latang maliit na tomato paste 1/2 tasa na asukal 1/2 kili spaghetti sticks 1/2 kutsaritang asin pantimpla Tsaka giniling Paraan ng pag luto: 1. Pakuluin at palambutin ang spaghetti sticks 2. Salain ang spaghetti noodle kapag luto na. Isantabi muna. 3. Igisa ang bawang at sibuyas 4. Isama ang giniling na karne hanggang maluto 5. Idagdag ang hotdog, liver spread, tomato paste, ketchup, asin at paminta 6. Ibuhos sa spaghetti noodle at ihalo 7. Ihain na may kasamang tinapay 8. Gadgaran ng keso sa ibabaw






--Kenneth John Ulgasan

Thursday, February 23, 2017

"Inlove o hindi"


“Ang pag-ibig ay hindi basta basta dumarating sa ating buhay, hindi rin ito basta basta hinihingi kundi dumarating ito sa isang di inaasahang pagkakataon at kung minsan pa’y di natin inaakala na ang mismong kaharap na natin ay ang matagal tagal na nating pinakaaasam na pag-ibig”. Ngunit kailan nga ba natin masasabing tunay na pag-ibig na ito? Paano nga ba natin nararamdaman kapag tayo ay inlove? At ang pinakamabigat na tanong, gaano tayo kasigurado na ang taong ito ay siyang nakatakda talaga sa ating buhay?

Mabigat. Mahirap ngunit kapag alam nating tayo ay tapat at seryoso, masasabi nating masarap ang magmahal at ang mahalin. May mga pagkakataon sa ating buhay na naranasan na nating magmahal at masaktan kapag tayo ay “inlove” sa isang tao. Minsan pa nga’y kapag masyado tayong nasaktan o na-heartbroken ay halos isumpa na natin ang mismong taong nanakit sa atin. Ngunit lagi nating tandaan na kapag dumating ang panahong maranasan natin ang bagay na iyon, ito ay para sa ikabubuti natin, plano ng Diyos dahil alam niya kung sino talaga ang nararapat sa pagmamahal na ibinibigay natin. Madaling malaman kapag ang isang tao ay “inlove”, andyan ‘yong tinutubuan ka ng madaming pimples dahil hindi ka matulog tuwing gabi dahil sa kakaisip o baka naman kasi katext mo siya, ‘yong pakiramdam na nababanggit mo ‘yong pangalan niya kahit di mo naman siya kasama o kausap, napapangiti ka ng walang dahilan kaya minsan napagkakamalan ka ng baliw o wala sa katinuan, ‘yong pakiramdam na abot hanggang tainga ang ngiti mo kapag nababasa mo ‘yong pangalan niya sa inbox mo at syempre ‘yong pakiramdam na nagkakatinginan kayo sa isa’t-isa, kunwari ka pang lilihis ng tingin pero maya-maya ay sumusulyap ka ulit. Totoong masarap ang mainlove sa isang tao lalo na kung alam mong may pagtingin din siya sayo, sabi nga ng iba “Cloud999999” dahil pakiramdam mo daw ay nasa langit ka, ngunit sa kabilang banda, mabigat ang kapalit nito kapag tayo naman ay nasaktan. Iba-iba kasi ang pag-uugali ng tao, mayroong mga taong grabe kung magmahal, ‘yong tipong sa iisang tao lang umiikot ang kanyang mundo, mayroon din namang ginagawa lang laro ang pagmamahal, at mayroon din namang seryosohan at ginagawa lang inspirasyon ang pagmamahal. Sabi nila, mas matindi daw mainlove ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Ang mga babae kasi pag nainlove ay halos tumalon na sa sobrang kilig, hampas ng katabi, at “pabebe-effect” o parang sanggol kung umarte samantalang ang mga lalaki naman daw ay tahimik lang pero grabe kung mainlove, tuwang tuwa daw sila kaso ayaw nilang ipahalata baka daw kasi kung anong isipin ng iba kung magsisitalon din sila. Ang pagkakaroon ng boyfriend/girlfriend ay hindi naman masama basta’t alam natin ang limitasyon ng isa’t-isa. Sapat na ang isa hanggang dalawang pagkikita sa isang linggo kung maaari at dapat kayo ay “legal” sa inyong mga magulang. Lahat ng ito’y nagsisimula sa pagiging inlove natin sa isang tao, ‘yong tipong nagpapapansin tayo sa kanila kahit di man lang nila tayo napapansin halimbawa na lang diyan iyong dadaan ka sa harap nila pero wala namang nangyayari, nagpapaimpress kahit di naman sila naiimpress, at minsan, dahil baliktad na ang mundo ngayon, babae na ang mismong lumalapit sa mga lalaki.


Hindi naman masama ang mainlove, sa katunayan pa nga, kapag tayo ay inlove ay mas lalo tayong nagiging blooming at naiinspired gumawa ng mga magagandang bagay. Lagi lang nating tandaan na lahat ng bagay ay may limitasyon. Pagdating sa pagmamahal, dapat tanggap niyo ang isa’t-isa kung anumang pangit sa kanya ay dapat tanggap mo kung totoong mahal mo siya .Sa pag-ibig, di mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan. Mas matimbang ang karanasan kaysa sa sakit na pinagdaanan. Ang tanging magpapatatag dito ay kapatawaran at hindi ang pagsumbat sa kasalanan. Bago tayo pumasok sa isang relasyon, isipin muna natin ng maiigi, para sa huli, walang pagsisising magaganap.





-- Kenneth John Ulgasan




Tuesday, February 21, 2017

Paraan ng Pagluluto ng Leche Flan

Mga Sangkap ng Leche Plan

1 tasang asukal na pula



3/4 tasang tubing

12 pula ng itlog (egg yolk)

2 lata ng gatas na condensada

2 lata ng gatas na evaporada

1 kutsarita katas ng lemon

Kaunting asin

Paraan ng pagluto ng Leche Plan


  • Paghiwalayin ang pula at puting bahagi ng itlog. Ang pula lang ang kailangan sa leche flan.
  • Sa isang mangkok, paghaluin ang lahat ng pula ng itlog, gatas na kondensada at evaporada.
  • Ilagay ang katas ng lemon at haluin ng maigi upang maiwasan ang mga bula.
  • Maaari rin maglagay ng kaunting asin.
  • Sa isang kawali, paghaluin ang tubig at asukal. Isalang sa apoy at hayaang kumulo hanggang mag-caramelize ang asukal. Ibuhos ito at ikalat sa mga llanera. Hayaang lumamig.
  • Unti unting ibuhos ang pinaghalong kondensada at evaporada sa loob ng llanera na may nakabanig na caramelized na asukal. Huwag punuin ang sisidlan. Maglagay lang ng hanggang 1 ¼ pulgada ang lalim.
  • Maaring lagyan ng takip na aluminum foil kapag walang dala na takip ang llanera.
  • Ilagay sa lutuan na iyong napili at i-steam ng 35 hanggang 45 minuto. Kung sa oven naman, i-bake ng 45 minuto sa setting na 370 Celsius.
  • Kapag naluto na, haungin at palamigin. Palamigin sa loob ng ref – huwag sa freezer.
  • Bago ilipat sa plato, padaanin ang kutsilyo sa pagitan ng leche flan at ng llanera upang hindi mabiyak ang leche flan. Ilagay sa plato ng nakabaligtad upang yung bahagi na may caramelized sugar ang nasa ibabaw.




                                                                                    --Jonah Mae Alcaris

Monday, February 20, 2017

Pag-aaral o Pag-ibig






Wala ng mas importante pa sa pag-aaral, pag nakatapos ka dito pwede kanang makahanap ng magandang trabaho, masusuklian mo pa lahat ng paghihirap na dinanas ng mga magulang mo. Maaari mo silang mapasaya, mapaiyak, mapatawa dahil ika'y nakapagtapos na. Maaaring sabihin ng ibang tao na 'bitter ako' na 'bitter ka' na 'bitter tayo', ngunit kasalanan ba nating mas inuuna natin yung ating pag-aaral? Kasalanan ba nating mas pinagtutuonan natin ng pansin ang ating edukasyon? Kasalanan ba nating bigyang katuparan ang hiling ng ating mga magulang? Ang makapagtapos tayo? Ang makuha natin ang ating mga gusto? Ang makamit natin ang ating mga pangarap sa buhay? Kasalanan ba natin? Diba hindi naman?. Hindi din natin dapat ipagsabay ang pag-aaral sa buhay pag-ibig. Sa pagmamahal, hindi natin maiwasang hindi masaktan. Ibig sabihin pag nasaktan ka, maaapektuhan ang iyong pag-aaral, babagsak ka! Pag bumagsak ka mabibigo mo ang iyong mga magulang. Ang daming pwedeng mangyari diba? Ang pagmamahal kasi ay hindi dapat minamadali kusa naman kasi itong dadating pag handa ka na, kusa naman itong dadating pag nasa tamang edad ka na, kusa itong dadating sa tinatawag nilang tamang panahon. Habang wala pa si "Mr. Right" aral muna kay, magsikap kayo, para sa hinaharap pag natagpuan mo na yong taong karapat-dapat sayo ay mabibigayan mo sya ng maayos at magandang buhay. Tandaan, Edukasyon ang dahilan kung bakit tayo nagkakaroon ng magandang kinabukasan.



Hindi ako naniniwalang hindi ito nakakabuti sa mga mag-aaral. Hindi naman masama ang mainlove, sa katunayan pa nga kapag tayo ay inlove mas lalo tayong nagiging blooming at naiinspired gumawa ng mga magagandang bagay. Maaari din natin itong gawing inspirasyon sa pag-aral. Huwag lang nating kalimutan na lahat ng bagay ay may limitasyon. Oo nga't nasasaktan tayo, pero hindi mo naman kasi masasabing mahal mo siya pag hindi ka nasasaktan. Sabi nga nil, kakambal ng salitang 'Kasiyahan' ang mga salitang 'masaktan' o 'kalungkutan'. Tandaan, Pagmamahal ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay sa mundong ating kinabibilangan.

Kung ano ang pipiliin mo sa dalawa dapat isipin mo ng mabuti ang ikakabuti ng iyong sarili o pamilya. Mas mahalaga parin kung pipiliin natin kung saan tayo sasaya. Manalangin kalang sa Panginoon kung ika'y magkakaproblema man. Siya ang ating masasandalan sa lahat ng ating pinagdadaanan.














--Jalaine Montezo Eben

Paraan sa Pagluluto ng Tenolang Manok


Sangkap:

3 pitso ng manok, hiniwa ayon sa gustong laki.
2 kutsarang mantika.
2 kutsarang luya, hiniwang pahaba.
1 ulong bawang, dinikdik.
1 katamtamang sibuyas, hiniwa.
2 kutsarang patis.
1 kutsarang asin o
1 Chicken brothcubes.
Katamtamang dahon ng malunggay.
5 tasang tubig.
2 tasang hilaw na papaya o sayote, hiniwang pakudrado.
Paraan ng pagluto:


• Magpakulo ng mantika sa isang kaserola sa katamtamang init, igisa ang luya, bawang, sibuyas sa loob ng isang minuto.
• Idagdag ang manok at gisahin hanggang maging mamula-mula. Timplahan ng patis at asin o chicken cubes.
• Dagdagan ng tubig pakuluan ito sa mahinang apoy at hayaang kumulo-kulo sa loob ng 30 minuto o hanggang lumambot ang manok.

• Idagdag ang papaya o sayote, iluto ng 5 minuto o hanggang lumambot ang papaya o sayote.
• Takpan ang kaserola at alisin sa apoy.













--Jalaine Montezo Eben

Sunday, February 12, 2017

Ang Aking Talambuhay


               Ako si Anecita Abarca Salucan.Ako ay labing walong taong gulang.Nag-aaral sa Paaralan ng Brokenshire College Toril (BCT).Nasa ika labing-isang baitang.Ipinanganak noong June 28, 1998 sa Tibuloy Torl Davao City.Nakatira sa Brgy. Tibuloy, Toril, Davao, City. Ako ay nagtapos ng Elementarya sa Tibuloy Elementary School, nag tapos naman ako ng Junior High School sa Binugao National High School.
              Kami ay pitong magkakapatid, masasabi ko na maswerte ako dahil nagkaroon ako ng mga kapatid na mababait.Kami aymag kakasundo sa lahat ng bagay, kami ay nagtutulungan, gumagabay sa isa’t isa, nagbibigayan.Pinalaki kami ng aming magulang ng maayos. Ang aking ina ay si Alvisen Abarca Salucan siya ay mapagmahal, maalaga, matulungin, aking ina ay over protective ayaw niya na umaalis kami ng walang paalam, ayaw niya rin na gumagala kami, at hindi kami pinapabayaan.Ang aking ama naman ay si Ireneo Retardo Salucan siya ay mabait, masipag at mapagmahal, hindi niya kami pinapabayaan, lahat ginagawa para sa amin.Walang ibang hangad ang aking magulang ang mapunta lamang kami sa tamang landas.
               Ang aking paboritong pagkain ay lahat maliban sa sardinas.Ang paborito kung numero ay 28, ang paborito kong kulay ay dilaw.Idolo ko si Julie Anne San Jose. Sa larangan naman ng PBA ay ang Brgy.Ginebra.








                                                                            -Anecita Salucan
               

Kaharian ng Zion

  
        Noong unang panahon may tatlong prinsipe na nakatira sa kaharian ng Zion. Sila ay kilala dahil sa kanilang galing sa pakikidigma, sila ay sina Prinsipe Jack, Mario at Juan. Malala ang kalagayan ng kanilang kaharian dahil napapalibutan ito ng mga masasamang Ogre, pilit nilang sinasakop ang kaharian dahil gustong makuha ni Lich, ang pinuno ng mga Ogre ang isang mahiwagang dyamante. Ang dyamanteng ito ay napakamahal at sa kaharian ng Zion lamang matatagpuan. Kinakailangang protektahan ng tatlong prinsipe ang dyamante, dahil iyon ang huling habilin ng kanilang yumaong ama na si Haring Malik. Mahigit 10,000 ang mga Ogre ngunit ang mangdirigma ng kaharian ay 200 lamang. Parang hindi na mapakali ang mga residents ng kaharian dahil napakarami ng kalaban, ngunit hindi dapat iyon ikabahala ang sabi ni Prinsipe Mark dahil mayroon silang naisip na plano. Sa paglubog ng araw at dadating ang pulang buwan, tiyak na manghihina ang mga Ogre dahil sa enerhiya na nilalabas ng buwan. Kaya naman iyon ang naisip ng mga Prinsipe,ngunit wala nang panahon napapalibutan na ang kaharian.

         Sa paglipas ng 10 oras umataki na ang mga Ogre ngunit isang araw pa ang kailangan nilang hintayin bago dumating ang pulang buwan. Kaya naman ginawa ng mga Prinsipe ang kanilang makakaya sa pakikidigma.
Lumipas ang labingdalawang oras anim na libo pa ang mga Ogre at walumpo na lamang ang kanilang mandirigma, at karamihan sa kanila ay sugatan. Sugatan naman si Prinsipe Jack at malubha ang kanyang karamdaman na parang wala ng pag-asa. Sumigaw si Prinsipe Juan nang napakalakas at may biglang lumitaw na diwata at tinulungan sila nito. Ang diwata ay ang pumuprotekta sa dyamante, natalo ng diwata ang mahigit tatlong living Ogre, ngunit namatay siya sa kamay ni Lich. Buti na lang sumikat na ang pulang buwan at nanghina na ang mga Ogre at madaling pinatumba ng mga mandirigma ng kaharian at nagwagi sila sa labanan at maging payapa na muli ang kaharian ng Zion.

                    


                                                                                       - Delsam Jones Darunday

Friday, February 10, 2017

Medalya

Paano mo matatanggap ang pangyayaring hindi mo kailanman hiniling na mangyari?

Paano mo tatanggapin ang katotohanang iniwan ka na nila at hindi na muling babalikan pa?

Paano mo haharapin ang bukas na mag-isa?

Kaya mo bang tuparin ang ipinangakong gagawin ang lahat para makamit ang nais nila para sayo, para sa kinabukasan mo?

        Ako si Elloisa Chris Madrigal labingpitong taong gulang. Ang nag-iisang anak nina Ellysa at Christian Madrgal na kilalang negosyante sa aming lugar. aako ay nakatira sa isang magarang village sa Bulacan at nag-aaral sa Bulacan High Institute isang eksklusibong paaralan para sa mga anak mayaman. Isang marangyang pamumuhay ang aking naranasan dahil sa pagsisikap ng aking mga magulang. Pagsisikap na kailanman hindi ko na masusuklian pa, hindi ko man lang maipagmalaki sa kanila ang tagumpay na makakamit ko sa susunod na linggo. Kung kailan malapit na akong matapos sa sekondarya doon pa sila nawala. Isang yugto ng buhay ko na kailanman hindi ko hinagad na mangyari. Isang pangyayaring hindi ko inaasanng magpapaguho ng aking buhay at pag-asa. 

         Marso 22 ng taong ito, alas nuebe ng gabi ng ako ay nasa aking silid ng biglang tumunog ang aking telepono. dalidali ko itong kinuha at sinagot ng makita ang pangalan na nkita sa iscreen, si mommy tumatawag kaya sinagot ko, pero natigilan ako sa narinig hindi si mommy ang nasa kabilang linya kudi isang pulis. Huminto ang mundo ko sa narinig, parang gumuho ang lahat, lahat ng aking pag-asa at pangarap. paulit-ulit sa aking tenga ang sinabi ng pulis na wala na ang aking mga magulang,patay na sila pareho. Sabik pa naman akong sabihin sa kanila ang magandang balita, dahil tiyak na matutuwa sila pareho ni daddy. Pero nawala lahat yun ng marinig ko ang ibinalita ng pulis na wala na sila. Wala na ang pinakamamahal kung mga magulang, tuluyan na nila akung iniwan. Akala ko masusorpresa ko sila sa magandang balita pero tila ako ang nasorpresa sa pangyayari. Kailanman hindi ko na sila muling makikita't makakasama pa. Namatay si mommy at daddy dahil sa aksidente na ang sabi ng pulis ay sinadya. Sinadyang kunan ng preno ang kanilang sinasakyang kotse. Galing sila sa isang pagdiriwang ng isang kasosyo ni daddy sa negosyo at isa na ring kaibigan. At pagkatapos ay pumunta daw sila sa isang restaurante para kausapin ang isang kliyente ni daddy. At pagkagaling doon ay umuwi na sila ang sabi ng sekretarya ni daddy na kasama nila sa mpakikipagkita sa kliyente, at doon nga nabangga ang sasakyan sa punong kahoy at tuluyang sumabog. Patay na daw sila ng makita ng mga pulis. 

          Ang sakit, hindi ko lubos maisip na sa isang iglap nag-iisa na lang ako sa mundo, wala na ang mga taong mahalaga sa akin. Ang buhay na napakasaya at makulay dati ay magiging malungkot at mawawalan na ng kulay ngayon. Pagkatapos ng tawag ay pumunta na ako sa ospital na sinabi ng pulis na pinagdalhan sa kanila. Akala ko nanaginip lang ako, akala ko hindi iyon tototo. pero sinampal sa aikin ang katotohanang ang mga taong nasa aking harapan ay wala ng buhay. Wala na akong nagawa o magagawa pa kahit awayin ko pa ang lahat ng nandon wala na sialng magagawa. Akala ko ,alakas ako, akala ko hindi ako iiyak pero hindi ko namalayan naguunaham na palang pumatak ang mga luha sa aking mga mata. nanghina ako bigla at hindi na makaimik pa, kahit daming tanong ng mga pulis ay wala na akong pakalam sa nangyayari ang tanging nasa aking isipan ay sana hindi ito nangyari at nagdadasal na sana lalapitan nila ako at sabihing hindi kami iyan anak. Paano na ako na wala na sila? PAano ko haharapin ang bukas na mag-isa. Kaya ko ba? Paano na ang pangarap ko na masuklian ang lahat ng paghihirap nila. Pero ano nga ba ang magagawa ko kung ito talaga ang kapalaran ko ang maagang mawalan ng mga magulang.

            Napakaganda ng lugar, napakasaya ng mga tao sa paligid. Mababatid mong may magandang mangyayari, tila nananabik ang lahat sa gaganaping seremonya. Marso 29 ang araw na dapat masaya ako, dahil ito ang araw na magtatatpos na ako. Pero hindi na ngayon, wala na ang saya at pananabik ko. Ito ang pinakamalungkot na araw sa buong buhay ko. Kung hindi lang ako kailangan sa lugar na ito ay hindia ako pupunta,tatapak o dadalo sa seremonya at kung hindi lang din ako pinilit ng aking guro at mga kaibigan. ako ang "Valedictorian" ng klase sa taong ito, at ito sana ang sorpresa ko para sa kanila. 
     Sa wakas natapos din, dalidali akom\ng umalis dahil may seremonya pa akong pupuntahan ang seremonya bago ilibing ang aking mga magulang. 

  " Mommy, Daddy ito ang aking medalya, ito ang anis kong ibigay at sorpresa sa inyo. Ito ang nais kong ibigay para sa lahat ng pagsisikap niyo para sa akin, Mom,Dad ako ang valedictorian, sana kasama ko kayo kanina, sana masay tayo nagyon. Pero Mom, Dad ipinapangako ko na magtatapos parin ako ng pag-aaral at tutuparin ang nais ninyo para sa aking kinabukasan. At ipinapangako ko mula sa araw a ito na hahanapin ko ang hustisya na nararapat para sa sinapit nyo. Hindi ko hahayaang mababalewala ang lahat at sisiguraduhin kung magbabayad ang sumira ng pamila at ng buhay ko."

                                                                         --Jonah Mae Alcaris

Thursday, February 9, 2017

Ang nawawalang tagapangalaga ng Palasyo

Noong unang panahon, naninirahan sa isang nayon na di kalayuan sa iceland palace ang mag asawang si Mang Tonyo at Aling Esmeralda. Sila ay isang simpleng pamilya na naghahangad na magkaroon ng anak, ngunit sila ay nabigo at di nabiyayaan. Si Mang tonyo ay isang mangangaso at si Aling Esmeralda naman ay nagkukumpuni ng mga kagamitan.
Isang araw si Mang Tonyo ay naglalakbay patungo sa tuktuk ng bundok ng bulwagan upang mag-trabaho. Ng makarating sya roon ay sinimulan nya ng gawin ang kanyang pag tratrabaho upang mas maaga syang makauwi at makapiling ang kanyang asawa. Habang sya ay nangangaso ay may kakaiba syang naririnig mula sa gitna ng bulwagan. Hinanap niya kung saan nanggaling ang tinig at doon nya nakita ang isang sanggol na umiiyak. Hinanap nya ang mga magulang nito, ngunit sa kasamaang palad ay hindi nya ito makita. Kinuha niya ang sanggol at nagmamadaling umuwi patungo sa kanilang tirahan upang sabihin at ipa-alam sa kanyang asawa ang nangyari sa tuktuk ng bundok.
Humihingal si Mang Tonyo ng sya ay makarating sa nayon, hinanap niya ang kanyang asawa at doon niya nakita si Esmeralda na malungkot na nag kukumpuli ng kagamitan. Nang mapansin ni Esmeralda ang pag dating ng kanyang asawa ay nagulat sya at tila’y hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. “Ano iyan Tonyo? Sino ang batang iyan? Saan mo sya nakita?” tanong nya kay Tonyo. “Nakita ko sya sa gitna ng bulwagan na umiiyak at walang kasama” Sagot niya. “ Paano mo nalaman na wala siyang kasama? Paano siya nakarating doon?” anong muli ni Esmeralda. Pinaliwanag ni Mang Tonyo sa kanyang asawa ang nangyari sa kanya at ang sanggol na nakita niya tila’y hindi parin makapaniwala si Esmeralda sa kanyang nakita na para bang ito’y isang bulalakaw na biglang nahulog mula sa langit.
Nang kalaunan , napag-pasyahan ng mag-asawa na hanapin ang mga magulang ng sanggol. Ilang raw o linggo ang nakalipas ay wala paring nangyari sa kanilang paghahanap kaya napagpasyahan nilang kupkupin nalang ito at ituring na para nilang sariling anak. Ang sanggol na iyon ay pinangalanan nilang Belania at ngayon ay masayang masaya ang mag-asawa kasama ang kanilang anak. Pinalaki nila si Belania na may busilak na puso at mapagmahal sa kapwa.
Hanggang sa paglipas ng ilang taon si Belania ay isang babaeng kinahuhumalingan ng kalalakihan sa nayon dahil sa kanyang taglay na kagandahan di lamang sa panlabas na anyo, kundi sa kalooban. Siya ay matapang, masipag at mapagmahal. Isang araw habang pinagmamasdan ni Belania ang paligid ng may napansin siyang malaking bato na nakaharang sa likod ng kanilang bahay at dahil siya ay sabik na malaman kung ano ang meron roon ay pinuntahan niya ito at nakita niya na may isang maliit na butas na kakasya sa kanya. Pumasok siya roon at nalaman niya na ito’y isang kagubatan na patungo sa iceland palace, ang palasyong matagal ng naglaho. Hindi kailan man nag atubiling pumunta si Belania sa Iceland palace at nasilayan ang magandang lugar na iyon. “Napakaganda ng lugar na ito” sabi niya sa kanyang sarili. Habang siya ay naglalakad sa palasyo ay may nakita siyang isang maliit na kahon. Binuksan niya ito at nakita niya ang isang kapirasong kwintas na katulad sa kanya. Kinuha niya ito at pinagsama niya sa kanyang kwintas ng sya ay may napansin na kakaiba sa palasyo. “Ano nangyari rito? Bakit tila’y biglang nagbago ang lugar na ito? Ano ang meron sayo o aking kwintas?” Pag tatakang tanong niya sa kanyang sarili. Sa pag balik ni Belania sa kanilang tahanan ay napagtanto niya na parang may sumusunod sa kanya, ngunit hindi niya ito pinansin. Pagkarating niya ay nagmamadali syang naghanda ng hapag-kainan para sa kanilang munting salo-salo sapagkat ang araw na ito ay ang kaarawan niya. Dumating ang kanyang ina at ama galing sa bayan upang bumili ng regalo para sa kanya. Sa gabing iyon si Belania ay labing walong taong gulang na siya ay masaya sa munting regalo na natanggap niya mula sa kanyang mga magulang. Kinaumagahan, bumalik sya sa palasyo upang makita muli ito. Hanggang sa lumipas ang mga araw ay unti-unting napapalapit sya at may pagbabago na nararamdaman ngayun. Alam ni Tonyo at Esmeralda ang mga ginagawa at pagtakas ni Belania sa kanilang bahay.
Ang di alam ni belania na ang lugar na binabalik-balikan niya ay ang lugar kung saan siya nagmula,ngunit hinayaan na lamang nila ito upang sa tamang panahon ay matanggap niya ang lugar at tungkulin niya roon..napagtanto ng mag asawa na ngayon ang tamang panahon na malaman ni belania ang tungkol sa kanyang pagkatao. Sa pagbabalik ni belania mula sa palasyo ay kinausap siya ng kanyang mag magulang at sinabi nila ang lahat-lahat ng kanilang nalalaman at pati na rin ang tungkulin niya sa palasyo.Noong una ay nagdada-dalawang isip sila ngunit dahil sa pagmamahal nila kaiy belania ay sinabi nila ang katotohanang siya ang nawawalang tagapangalaga ng Iceland palace. Kaya simula noon bumalik si belania sa palasyo kasama ang kanyang mga magulang at ginampanan ang tungkulin na matagal ng nawawala. Muling nanumbalik ang kagandahan at pagbangon ng palasyo na tinatawag na Iceland Palace na pinangangalagaan ni Belania.

-Jenny Rose Belen

Reyna Tapa


       Noong unang panahon sa isang lugar sa gitnang bahagi ng bayan nila Ana,may isang uri ng nilalang na siyang nagbibigay takot at pangamba sa mga taong naninirahan doon. Tinawag nila itong si Reyna Tapa ito ay may apat na mga Mata at isang malaking bibig, kaya nitong kumain ng dalawang tao o higit pa. Ganon na lang ang takot na nararamdaman ng mga taong taga roon dahil unti-unti na silang nauubos, tumigil lamang si Reyna Tapa pag nakikita si Ana.
       Wala ni isa sa kanila ang makakaalis dahil ang kanilang lugar ay nilagyan ng mataas na pader at iyon ay kagagawan ni Reyna Tapa. Nais nya kasing maghiganti sa mga taong pumatay sa kanyang ka isa-isang anak na si princesa tapi, nais nyang maghiganti sa mga taong nagpahirap sa kanila. Noon si Reyna tapa ay hindi pa nangangain ng mga tao, lagi lang itong nasa punong kahoy dala dala ang kanyang anak na may kapangyarihan, kaya nitong maglabas  ng mga ginto. Isang araw ng maglabas ito ng ginto may isang tao ang nakakita. Sa labis na kasabikang makakuha ng ginto, ninais nilang gumawa ng masama, sinubukan nilang kunin ang princesa , nanglaban ang Reyna ngunit sa huli nakuha parin ang bata, pinaluwa nila ito at pagkatapus ay pinatay, labis ang galit na naramdaman ni Reyna Tapa,kaya ngayon nais niyang maghigante. Ngunit ang batang si Ana at gumawa ng paraan para hindi matuloy ang ninanais na paghihigante ng Reyna.
       Sampung taon pa lamang si Ana at siya na ang humingi ng tawad para sa mga taong pumatay sa anak ng Reyna. Makalipas ang ilang buwan unti-unti ng tinanggap ni Reyna Tapa ang pagkawala ng kanyang anak. Pinatawad niya na ang mga pumatay sa pinakamamahal niyang anak. Sa tulong ng batang si Ana ang dating masamang Reyna Tapa ay naging isang mabuting Reyna na ngayon.


        --Jalaine Montezo Eben.

Puso ng Kalikasan

       Sa bayan ng San Jose ay kunti lamang ang bilang ng taong nakatira dito, dahil sa mga sabi sabi na ang lugar nato ay pinarusahan dahil sa mga kababalaghang pangyayari na hindi maiintindihan ng mga taga rit tulad a lamang ng maagang pagdilim,isang buwang walang tigil sa pagbuhos ng ula, pagkagutom ng karamihan dala ng pabigbiglang sama ng panahon at iba pa. Matigil lamang ang mga pangyayaring ito kung maibalik sa kinalalagyan ang puso nang kalikasan na kinuha umano ng isang taong may malaking galit sa kalikasan.
      Ang bayan ng San Jose ay minsang dinadayuhan  na ng mga turista dahil sa taglay nitong kalinisan, natural at masaganang likas na yaman. Masaya at mahinahon ang mga taong nakatira dito dahil kuntento sila kung anong buhay miron sila. Isang araw nang dumaan si joseph kasama ang kanyang amat ina sa gubat ng San Jose papunta sa simbahan. Habang sila ay masayang naglalakbay may nakasalubong silang mga mababangis na hayop, takot na takot at hindi makapaniwala ang magkapamilya  sa kanilang nakita!, nang nagtangka ang ama na patakasin ang kanyang mag ina, hindi nagawang tumakbo ng kanyang ina dahil ang takot ay nangibabaw kaya naiwan niya ang kanyang amat ina sa gubat hanggang siya ay tumakbo ng tumakbo, hindi nag tagal walang pag-aalinlangang umataki ang mga mababangis na hayop sa kanila.
      Habang si Joseph ay takbo ng takbo hindi niya namalayang nakarating na pala siya sa kanilang bahay. Kitang kita sa kanyang mga mata ang takot at hindi makapaniwala sa nangyari hanggang sa pagsapit ng gabi hindi na ito nakatulog dahil sa labis na pagluksa at magdamagang pag-iisp. Pagkalipas ng taon hindi parin niya nalimutan ang mga pangyayari kung bakit nawala ang kanyang mga magulang. Sa oras na sumagi sa kanyang isip ang nangyari hindi niya mapigilan ang mapaiyak at bumabalik at bumabalik ang sakit ng kahapon.
       Isang araw si Joseph ay may bagong natuklasan. Ang puso ng kalikasan na nagsisilbing liwanag ng kagubatan at napag-alaman niya kapag mahiwalay ito sa kinalalagyan ay masisira ang kalikasan at may masamang mangyayari. Kaya napag desisisyonan niya ang maghiganti dito dahil sa sinapit ng kanyang mga magulang. Kaya agad niyang pinuntahan ang pinakadulo ng gubat, kung saan matatagpuan ang puso ng kalikasan. Na sa tingin ni Joseph ito lamang ang natatanging paraan upang makamit niya ang hustisya para sa kanyang mga magulang.
     Pagkatapos ng mahabang paglalakbay natagpuan na ni Joseph ang kinalalagyan ng puso ng kalikasan at agad niya itong kinuha. Pagkalipas ng ilang sigundo agad dumilim ang paligid na nag sisilbing hudyat ng simula ng paghimagsik ng kalikasan. At takang taka na ang mga taga San Jose sa maagang pagdilim. Kina umagahan agad umalis si Joseph sa San Jose dala ang puso ng kalikasan, sabay ang pagbuhos ng malakas na malakas at walang tigil  na ulan. Pagkalipas ng isang buwang pag ulan iba na naman ang naging suliranin ng San Jose ang pagkaguton ng nakakarami at sa pag dami ng taong namamatay.


                                                                  -Angel Añasco


Ang Inahin at ang Sisiw

“ANG INAHIN AT ANG SISIW” Masayang-masaya si Inahing manok nang mapisa ang kanyang mga itlog.Lima ang kanyang sisiw, subalit hindi nagtagal ang buhay ng mga ito.Isa-isang namatay ang mga sisiw maliban sa isa. “Isa ang naiwan sa aking sisiw.Mamahalin kong lubos ang kaisa-isa kong anak.Palakihin ko sya sa layaw, ang pabulong na wika ni inahing manok , Gayon nga ang nangyari.Inaalagaan niya ng mabuti ang sisiw.Hindi lang iyon.Pinaniniwalaan niya ang lahat ng sinabi nito. “Mahal kong ina” ang umiiyak na sumbong ng sisiw, isang umaaga sinaktan ako ng malaki pa sa akin na sisiw. “Nasaan ang nanakit sa iyo”? ang galit na galit na tanong ni inahing manok. Itinuro ni sisiw ang kinaroonan ng kaaway.”Bakit mo sinaktan ang anak ko” ang pasigaw na tanong ni inahing manok. Ako po ang una nyang sinaktan ang pangatwiran ng kaaway ng anak.Gumaganti lamang po ako sa kanyang ginawa. “Ang laki-laki mo pinatulan mo ang aking anak.Papatayin kita ang banta ni inahing manok.Sa takot ni sisiw, tumakbo ito ng matulin at nagtago sa butas ng isang kahoy.Nakaligtas siya kay inahing manok.Hindi man lamang pinagsabihan ng ina ang kanyang anak.Pagdating nila sa bahay ay pinaghanda pa ng masarap na pagkain ang sisiw. Makaraan ang ilang araw, may dumaang dalawang sisiw sa kanilang bahay. Binato sila ng pilyong sisiw. Nagsumbong sila sa inahin.Sinisisi sila sa inahing manok sa halip na kagalitan ang anak. “Kasi rito kayo dumaan” Kung ayaw nyong masaktan huwag kayong dumaan dito.Makalipas ang ilang buwan, naging tandang na ang sisiw.Matanda na at maging masakitin na si inahing manok. Halos hindi na sya makalabas ng kanilang bahay upang maghanap ng pagkain. Samantala, laging umalis ng bahay si tandang. “Anak,huwag ka namang mamasyal ngayon. Maysakit ako. Ikaw na muna ang maghanda ng ating pagkain. Hindi maari mahalaga ang lakad ko ngayon sabi ng anak. Hindi napigilan ni inahing manok ang anak na pinalaki sa layaw. Gayun lang man ang pag hinagpis ni Inahing manok. Noon niya naalala ang kasabihang.Ang anak na di paluhain ina ang patatangisin.

-Stephanie Epis

Nawawalang Prinsesa


Nawawala ang prinsesa gabi-gabi. walang makapagsabi kung saan siya pupupunta.

nagpabalita ang hari na ang sino mang makapagturo kung saan tumitigil ang anak tuwing hating gabi ay bibigyan ng kalahati ng kaharian, kung binata ay ipapakasal sa prinsesa. Ngunit, kapag nabigo ang naprisintang nagbabantay pupugutan siya ng ulo.
Marami ang nag takang makipagsapalaran hindi lamang dahil sa kayamanang matatamo kundi dahil sa napaganda daw na prinsesa. Ang lahat na ito ay nabigo. Wala paring makapagsabi kung bakit nawawala ng prinsesa tuwing hating gabi..
Sa kalagitnaan ng gubat na malapit sa palasyo, may isang dampang tinitirhan ng isang matandang mangkukulam. Isang araw ay dinalaw ang matanda ng binatang napamahal sa kaniya dahil madalas siyang tinutulungan nito.
Ngayon nman ay humingi ng tulong ang binata. Maganda po talaga ang prinsesa kaya tulungan po ninyo akong magtagumpay ako sa kanya.
Binigyan siya ng isang balabal na kapag itoy sinampay sa kanyang balikat ay hindi siya makikita ninuman.
Nang gabing iyon, nasa labas siya ng silid ng prinsesa at handang magbantay. Biglang nabuksan ang pinto at tumambad sa kanya ng napakagandang binibini.
Nang naramdaman niya na lumabas na ang prinsesa sinundan niya ito, May dinaraanan palang tagong pintuan ito na palabas ng palasyo.
Sumakay sa isang naghihintay na karwahe ang prinsesa. Di nito alam na kasama ang binata dahil hindi niya ito nakikita.
Nag tuloy sa isang malayong gubat ang karwahe, Sa gitna ng Kahuyan huminto ito at bumaba ang prinsesa. Sa likod ng isang puno, tinanggal ng binata ang kanyang balbal at naglagay ng maskara. Nalaman niya na ang prinsesa pala ay nakikipag sayaw sa mga diwata.
Nilapitan niya ang prinsesa at sila'y nag sayaw. Nag sayaw sila nang nag sayaw hanggang mapagod ang dalaga at halos mabutas ang mga suwelas ng sapatos.
Muling isinoot ng binata ang balabal nang paalis na ang karwahe at sila'y bumalik sa palasyo . "Masasabi mo ba kung bakit nawawala ang prinsesa tuwing hating gabi? tanong ng hari nang humarap sa kanya ang binata kinaumagahan.
"Opo Mahal na Hari! Nakikipagsayaw po siya sa mga diwata sa gubat gabi-gabi. Ito po ang katunayan-itong halos warak ng sapatos na kinuha ko sa kanyang pinagtapunan matapos makasayaw ko siya.
Ipinatawag ng hari ang prinsesa at hindi namn ito makatangi sa amang nagpakita ng katunayan. Balak pa sana ng prinsesa na umayaw na magiging asawa niya ang binata, ngunit nang ilagay nito ang maskara, nakilala niya ang kasayaw na kinagigiliwan nang nagdaang gabi.
Tumugtog ang banda at masuyong niyaya ang binata na magsayaw sila ng prinsesa na masya namang yumakap sa kanya.

-Kenneth John Ulgasan