Noong unang panahon sa isang lugar sa gitnang bahagi ng
bayan nila Ana,may isang uri ng nilalang na siyang nagbibigay takot at pangamba
sa mga taong naninirahan doon. Tinawag nila itong si Reyna Tapa ito ay may apat
na mga Mata at isang malaking bibig, kaya nitong kumain ng dalawang tao o higit
pa. Ganon na lang ang takot na nararamdaman ng mga taong taga roon dahil
unti-unti na silang nauubos, tumigil lamang si Reyna Tapa pag nakikita si Ana.
Wala ni isa sa kanila ang makakaalis dahil ang kanilang lugar ay nilagyan ng
mataas na pader at iyon ay kagagawan ni Reyna Tapa. Nais nya kasing maghiganti
sa mga taong pumatay sa kanyang ka isa-isang anak na si princesa tapi, nais
nyang maghiganti sa mga taong nagpahirap sa kanila. Noon si Reyna tapa ay hindi
pa nangangain ng mga tao, lagi lang itong nasa punong kahoy dala dala ang
kanyang anak na may kapangyarihan, kaya nitong maglabas ng mga ginto. Isang araw ng maglabas ito ng
ginto may isang tao ang nakakita. Sa labis na kasabikang makakuha ng ginto,
ninais nilang gumawa ng masama, sinubukan nilang kunin ang princesa , nanglaban
ang Reyna ngunit sa huli nakuha parin ang bata, pinaluwa nila ito at pagkatapus
ay pinatay, labis ang galit na naramdaman ni Reyna Tapa,kaya ngayon nais niyang
maghigante. Ngunit ang batang si Ana at gumawa ng paraan para hindi matuloy ang
ninanais na paghihigante ng Reyna.
Sampung taon pa lamang si Ana at siya na ang
humingi ng tawad para sa mga taong pumatay sa anak ng Reyna. Makalipas ang
ilang buwan unti-unti ng tinanggap ni Reyna Tapa ang pagkawala ng kanyang anak.
Pinatawad niya na ang mga pumatay sa pinakamamahal niyang anak. Sa tulong ng
batang si Ana ang dating masamang Reyna Tapa ay naging isang mabuting Reyna na
ngayon.
--Jalaine
Montezo Eben.
No comments:
Post a Comment