Noong
unang panahon may tatlong prinsipe na nakatira sa kaharian ng Zion. Sila ay
kilala dahil sa kanilang galing sa pakikidigma, sila ay sina Prinsipe Jack,
Mario at Juan. Malala ang kalagayan ng kanilang kaharian dahil napapalibutan
ito ng mga masasamang Ogre, pilit nilang sinasakop ang kaharian dahil gustong
makuha ni Lich, ang pinuno ng mga Ogre ang isang mahiwagang dyamante. Ang
dyamanteng ito ay napakamahal at sa kaharian ng Zion lamang matatagpuan.
Kinakailangang protektahan ng tatlong prinsipe ang dyamante, dahil iyon ang
huling habilin ng kanilang yumaong ama na si Haring Malik. Mahigit 10,000 ang
mga Ogre ngunit ang mangdirigma ng kaharian ay 200 lamang. Parang hindi na
mapakali ang mga residents ng kaharian dahil napakarami ng kalaban, ngunit hindi
dapat iyon ikabahala ang sabi ni Prinsipe Mark dahil mayroon silang naisip na plano.
Sa paglubog ng araw at dadating ang pulang buwan, tiyak na manghihina ang mga
Ogre dahil sa enerhiya na nilalabas ng buwan. Kaya naman iyon ang naisip ng mga
Prinsipe,ngunit wala nang panahon napapalibutan na ang kaharian.
Sa paglipas ng 10 oras umataki na ang mga Ogre
ngunit isang araw pa ang kailangan nilang hintayin bago dumating ang pulang buwan.
Kaya naman ginawa ng mga Prinsipe ang kanilang makakaya sa pakikidigma.
Lumipas
ang labingdalawang oras anim na libo pa ang mga Ogre at walumpo na lamang ang
kanilang mandirigma, at karamihan sa kanila ay sugatan. Sugatan naman si
Prinsipe Jack at malubha ang kanyang karamdaman na parang wala ng pag-asa.
Sumigaw si Prinsipe Juan nang napakalakas at may biglang lumitaw na diwata at
tinulungan sila nito. Ang diwata ay ang pumuprotekta sa dyamante, natalo ng
diwata ang mahigit tatlong living Ogre, ngunit namatay siya sa kamay ni Lich. Buti
na lang sumikat na ang pulang buwan at nanghina na ang mga Ogre at madaling
pinatumba ng mga mandirigma ng kaharian at nagwagi sila sa labanan at maging
payapa na muli ang kaharian ng Zion.
- Delsam Jones Darunday
No comments:
Post a Comment