Sa bayan ng San Jose ay kunti lamang ang bilang ng taong
nakatira dito, dahil sa mga sabi sabi na ang lugar nato ay pinarusahan dahil sa
mga kababalaghang pangyayari na hindi maiintindihan ng mga taga rit tulad a
lamang ng maagang pagdilim,isang buwang walang tigil sa pagbuhos ng ula,
pagkagutom ng karamihan dala ng pabigbiglang sama ng panahon at iba pa. Matigil
lamang ang mga pangyayaring ito kung maibalik sa kinalalagyan ang puso nang
kalikasan na kinuha umano ng isang taong may malaking galit sa kalikasan.
Ang bayan ng San Jose ay minsang dinadayuhan na ng mga turista dahil sa taglay nitong
kalinisan, natural at masaganang likas na yaman. Masaya at mahinahon ang mga
taong nakatira dito dahil kuntento sila kung anong buhay miron sila. Isang araw
nang dumaan si joseph kasama ang kanyang amat ina sa gubat ng San Jose papunta
sa simbahan. Habang sila ay masayang naglalakbay may nakasalubong silang mga
mababangis na hayop, takot na takot at hindi makapaniwala ang magkapamilya sa kanilang nakita!, nang nagtangka ang ama
na patakasin ang kanyang mag ina, hindi nagawang tumakbo ng kanyang ina dahil ang
takot ay nangibabaw kaya naiwan niya ang kanyang amat ina sa gubat hanggang
siya ay tumakbo ng tumakbo, hindi nag tagal walang pag-aalinlangang umataki ang
mga mababangis na hayop sa kanila.
Habang si Joseph ay takbo ng takbo hindi niya namalayang
nakarating na pala siya sa kanilang bahay. Kitang kita sa kanyang mga mata ang takot
at hindi makapaniwala sa nangyari hanggang sa pagsapit ng gabi hindi na ito
nakatulog dahil sa labis na pagluksa at magdamagang pag-iisp. Pagkalipas ng
taon hindi parin niya nalimutan ang mga pangyayari kung bakit nawala ang
kanyang mga magulang. Sa oras na sumagi sa kanyang isip ang nangyari hindi niya
mapigilan ang mapaiyak at bumabalik at bumabalik ang sakit ng kahapon.
Isang araw si Joseph ay may bagong natuklasan. Ang puso ng
kalikasan na nagsisilbing liwanag ng kagubatan at napag-alaman niya kapag
mahiwalay ito sa kinalalagyan ay masisira ang kalikasan at may masamang
mangyayari. Kaya napag desisisyonan niya ang maghiganti dito dahil sa sinapit
ng kanyang mga magulang. Kaya agad niyang pinuntahan ang pinakadulo ng gubat,
kung saan matatagpuan ang puso ng kalikasan. Na sa tingin ni Joseph ito lamang
ang natatanging paraan upang makamit niya ang hustisya para sa kanyang mga
magulang.
Pagkatapos ng mahabang paglalakbay natagpuan na ni Joseph ang
kinalalagyan ng puso ng kalikasan at agad niya itong kinuha. Pagkalipas ng
ilang sigundo agad dumilim ang paligid na nag sisilbing hudyat ng simula ng
paghimagsik ng kalikasan. At takang taka na ang mga taga San Jose sa maagang
pagdilim. Kina umagahan agad umalis si Joseph sa San Jose dala ang puso ng
kalikasan, sabay ang pagbuhos ng malakas na malakas at walang tigil na ulan. Pagkalipas ng isang buwang pag ulan
iba na naman ang naging suliranin ng San Jose ang pagkaguton ng nakakarami at
sa pag dami ng taong namamatay.
-Angel Añasco
No comments:
Post a Comment