“ANG INAHIN AT ANG SISIW”
Masayang-masaya si Inahing manok nang mapisa ang kanyang mga itlog.Lima ang kanyang sisiw, subalit hindi nagtagal ang buhay ng mga ito.Isa-isang namatay ang mga sisiw maliban sa isa.
“Isa ang naiwan sa aking sisiw.Mamahalin kong lubos ang kaisa-isa kong anak.Palakihin ko sya sa layaw, ang pabulong na wika ni inahing manok ,
Gayon nga ang nangyari.Inaalagaan niya ng mabuti ang sisiw.Hindi lang iyon.Pinaniniwalaan niya ang lahat ng sinabi nito.
“Mahal kong ina” ang umiiyak na sumbong ng sisiw, isang umaaga sinaktan ako ng malaki pa sa akin na sisiw.
“Nasaan ang nanakit sa iyo”? ang galit na galit na tanong ni inahing manok. Itinuro ni sisiw ang kinaroonan ng kaaway.”Bakit mo sinaktan ang anak ko” ang pasigaw na tanong ni inahing manok. Ako po ang una nyang sinaktan ang pangatwiran ng kaaway ng anak.Gumaganti lamang po ako sa kanyang ginawa.
“Ang laki-laki mo pinatulan mo ang aking anak.Papatayin kita ang banta ni inahing manok.Sa takot ni sisiw, tumakbo ito ng matulin at nagtago sa butas ng isang kahoy.Nakaligtas siya kay inahing manok.Hindi man lamang pinagsabihan ng ina ang kanyang anak.Pagdating nila sa bahay ay pinaghanda pa ng masarap na pagkain ang sisiw.
Makaraan ang ilang araw, may dumaang dalawang sisiw sa kanilang bahay. Binato sila ng pilyong sisiw. Nagsumbong sila sa inahin.Sinisisi sila sa inahing manok sa halip na kagalitan ang anak.
“Kasi rito kayo dumaan” Kung ayaw nyong masaktan huwag kayong dumaan dito.Makalipas ang ilang buwan, naging tandang na ang sisiw.Matanda na at maging masakitin na si inahing manok. Halos hindi na sya makalabas ng kanilang bahay upang maghanap ng pagkain. Samantala, laging umalis ng bahay si tandang.
“Anak,huwag ka namang mamasyal ngayon. Maysakit ako. Ikaw na muna ang maghanda ng ating pagkain. Hindi maari mahalaga ang lakad ko ngayon sabi ng anak. Hindi napigilan ni inahing manok ang anak na pinalaki sa layaw.
Gayun lang man ang pag hinagpis ni Inahing manok. Noon niya naalala ang kasabihang.Ang anak na di paluhain ina ang patatangisin.
-Stephanie Epis
-Stephanie Epis
No comments:
Post a Comment